Sunday, September 8, 2024

Davao: Rank no. 4 regional level, arestado sa Davao city; P240k halaga ng shabu nakumpiska

- Advertisement -

Davao City – Arestado ang Rank #4 Regional Level na si Kris Ruthel Royal Sinfuego alyas “Kikik”, 39 anyos at residente ng Prk. 9, Lot 4, Blk. 68, Evergreen St., Sto. Niño, Mintal, Tugbok, Davao City sa ikinasang drug buy-bust operation kahapon, Enero 6, 2022 ng pinagsamang tauhan ng Mati City, City Drug Enforcement Unit; Police Regional Office 11, Regional Intelligence Division; Station Drug Enforcement Team ng PS3 Talomo Davao City Police Office; kasama ang Regional Special Operations Group.

Visit RPN DXKT Davao

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nahuli ng isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer ang suspek sa aktong pagbebenta ng hinihinalang shabu kapalit ang ₱27,000.00. Ang nabanggit na pakikipagtransaksyon ay nangyari sa Matina, Davao City imbes sa Mati City, Davao Oriental.

Narekober mula kay alyas “Kikik” ang hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 15 gramos na may street market value na ₱ 240,000.00, isang (1) yunit ng Huawei cellular phone, pack ng sigarilyo na nagsilbing pinaglagyan ng hinihinalang shabu, isang (1) yunit ng sasakyang Toyota Vios na may plakang LAJ 1360 na siyang ginamit ng suspek sa pakikipagtransaksyon sa iba’t-ibang lugar. Gayundin ang ₱ 4,100.00 na pera na pinaniniwalaang pinagbentahan ng nasabing ilegal na droga.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kostudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

(Source: PCADG Davao Region)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -