Davao: PNP Chief Pinangako Ang Agarang Hustisya Sa Pagpatay Ng Brodkaster Ng Davao Del Sur

0
315

Davao del Sur – Hustisya ang panawagan ng mga kasamahan sa trabaho, pamilya, mga kaibigan  pati na rin sa iba’t-ibang grupo sa pagbaril-patay sa isang tagapagbalita ng Bansalan, Davao del Sur sa nakalipas na Sabado ng gabi, Oktobre 30.

Hindi na umabot pang buhay at dineklarang patay na pagdating sa Centeno Medical Specialist Hospital ang biktimang si Orlando ‘Dondon’ Dinoy, residente ng Barangay Poblacion Uno, Bansalan, Davao del sur na binaril sa loob ng kanyang apartment sa Mother Ignacia Village, Brgy. Poblacion Uno, pasado alas sais ng gabi.

Si Dinoy ay dating correspondent ng SunStar Superbalita Davao bago naging kabahagi ng Newsline Philippines.  Nagtamo ng anim na tama ng bala sa kanyang katawan gamit ang .45 kalibre ng baril si Dinoy.

Sa latest update mula kay PMaj. Eudisan Gultiano, spokesperson ng Police Regional Office XI sinabi nito na pinatutukan na ng hepe ng polisya ang kaso ni Dinoy.

Kinundena rin ng Police Regional Office (PRO) XI ang pagpatay sa biktima’ng si Dinoy. “Police Regional Office 11 condemns in the highest form the killing perpetuated against media practitioner, Orlando “Dondon” Dinoy,” kasabay ng pangako na alamin at papanagutin ang utak ng krimen.

Ayon naman sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Davao Chapter na ang pagpatay kay Dinoy ay isang pag-atake ng Freedom of Expression ng mga tagapagbalita ng Pilipinas.”We demand speedy and fast police investigation to identify the person/s behind the killing and put the perpetrators behind bars immediately,” sa pahayag ng KBP Davao Chapter.

Samantala, ipinaabot  din ni Philippine National Police  (PNP) Chief Police General guillermo Lorenzo T. Eleazar ang kanyang pakikiramay sa kamatayan ni Dinoy. “Ipinapaabot ko ang taus-pusong pakikiramay sa mga naulila at kasamahan ni Orlando Dinoy at bilang aksyon ay inatasan ko na ang RD, PRO11 na tutukan ang kasong ito upang mapanagot kung sino man ang may gawa ng krimeng ito.”

Dagdag pa nito, “We will look into all the possible angles on this case and we are also asking the help of our kababayan to provide us with any information that could lead to the resolution of this case.”

Nangako din ito ng proteksiyon sa lahat ng miyembro sa media mula sa harassment at pagpatay. “Bilang isang demokrasyang bansa, hindi katanggap-tanggap ang mga ganitong uri ng karahasan dahil maliwanag na ito ay pag-atake sa kalayaan ng pamamahayag na ginagarantiya ng ating Saligang Batas.”

Si Dinoy ay correspondent din ng Philippine Daily Inquirer at block timer ng Energy FM ng Digos City.

(Source:  Rhona Goc-ong-Villariasa | KAMM Media Network)

Leave a Reply