Monday, May 6, 2024

Davao: PBBM pinangunahan ang ground breaking ng Samal-Davao bridge

- Advertisement -

Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna sa pinakahihintay na groundbreaking ceremony ng Samal Island-Davao City Connector (SIDC) bridge project ngayong araw.

Visit RPN DXKT Davao

Bukod sa pangulo, inaasahang lalahok din ang iba pang pambansa at lokal na opisyal sa aktibidad na hudyat ng pagsisimula ng pagtatayo ng PHP23-bilyong two-way, four-lane bridge.

Nabatid na ang nasabing tulay hawak ng engineering work ng China Road and Bridge Corporation (CRBC), na may taas na 3.98 kilometro, na magdudugtong sa Samal Circumferential Road sa Island Garden City of Samal hanggang sa R. Castillo-Daang Maharlika junction sa Davao City.

Ang proyekto ay nasa ilalim ng konstruksiyon sa loob ng limang taon at inaasahang matatapos at mapapatakbo sa 2027.

Sa kabilang banda, bukod sa groundbreaking, pangungunahan ng pangulo ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong ng gobyerno para sa mga indibidwal na nakararanas ng krisis at nangangailangan ng tulong.

Lalahok din si PBBM sa isang situation briefing para ipaalam sa kanya ang kasalukuyang sitwasyon sa rehiyon sa larangan ng food security, infrastructure development, trade and commerce, at iba pang paksa.

Bibisita rin ito sa militar ng Eastern Mindanao Command para pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng naturang grupo.

(Source: Philippine News Agency)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img