Nasamsam ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency XI ang P900,000 halaga ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operation nila pasado 4:15 ng hapon, Nobyembre 2 sa Sitio Dita, Barangay Bobon, Mati City.
Kung saan naaresto ang dalawang kilalang big time pusher ng PDEA na sina Silas Roilan Jomoc alyas Lan at Orly Gongob.
Ayon kay PDEA XI Regional Director Aileen Lovitos, binili ng kanilang poseur buyer ang suspek ng 1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000.
Habang nakuha rin sa kanila ang isa pang 2 sachet, tumitimbang ng 60 gramo at mga tuyong dahon ng Marijuana.
Sasampahan ng RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
(News & photo courtesy of PDEA XI)
