Davao: P108K Halaga Ng Shabu Nakumpiska Sa Checkpoint

0
487

Davao City – Nakumpiska ng mga otoridad ang shabu na nagkakahalaga ng ₱ 108,800.00 mula sa isang pasahero ng jeep sa may Lasang Checkpoint ng Barangay Bunawan dito sa lungsod ng Dabaw.

Nadiskubre ng mga personahe ng Task Force Davao (TFD) at Davao City Police Office (DCPO) ang apat na sachet ng shabu na tumitimbang ng 16 grams mula sa posisyon ng  isang  Anthony Telavangco Pasandalan, 28 anyos, binata at residente ng Sandawa , SIR Matina,  Davao City na sakay sa isang pampasaherong  jeep mula sa Panabo City.

Ang suspek kasama ang mga ebidensiyang nakompiska ay nasa kostudiya na ng Bunawan Police Station.

Pinuri ni TF Davao Commander Darren Comia ang tropa dahil sa mahigpit na implementasyon ng security at anti-illegal drugs campaign dito sa Davao city upang masawata ang maitim na balak ng mga bad elements na nagbabalak na pumasok.

Dagdag ni Comia na ito ay nagsisilbi ding warning sa sino man na nagbabalak magsagawa ng ilegal na aktibidad na wala talaga sila’ng puwang didto sa Davao city.

(Source: Task Force Davao | Davao City Police Office)

Leave a Reply