Nagpositibo sa drug test ang isang opisyal sa Tagum City Council sa ginawang drug screening sa Sangguniang Panlungsod nitong Lunes, Agosto 1, 2022.
Ito ay kinumpirma ni Tagum City Mayor Rey Uy sa isa sa mga radio program sa lungsod nitong Huwebes, Agosto 4, 2022.
Kasali ang lahat ng elected officials pati na din ang Mayor na sumailalim sa drug test.
Para kay Mayor Uy, importante na ma-rehabilitate ang opisyal na nagpositibo dahil nakabase ang lungsod sa Drug-Free Workplace Program.
Hindi pa pinapalabas ang pangalan ng opisyal base sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kung saan lakip nitong sinasabi na “confidential” ang drug testing result.
(Source: CADAC)