35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Davao: Nagkakahalagang P200,000K na mga ilegal na droga nakuha sa mga empleyado ng gobyerno sa drug den sa Davao city

- Advertisement -

Umabot sa P200,000 na mga illegal na droga ang nakuha ng Regional Special Enforcement Team sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI, kasama ang National Bureau of Investigation XI kasama ang National Bureau of Investigation XI SEMRO, Davao City Police Office- CSOG at Talomo Police Precint 3 sa ginawang drug buy-bust operation nitong Hulyo 16, 2022, 3:25 ng madaling araw sa Phase 1, NHA Bangkal, Davao City.

Kinilala ni PDEA Regional Director Aileen Lovitos ang target sa drug bust na si Dolores Payot o alyas “Yoyeth”, 40 taong gulang na residente sa naturang lugar.

Ayon kay Regional Director Lovitos, nabilhan  ang suspek ng isang paketeng shabu na nagkakahalaga ng P6,000.

Sa ginawang operasyon ay na diskubri rin ang isang drug den kung saan nahuli ang dalawang mga bisita na sina Henry Dulog, isang empleyado ng BPO Company at si Michael Thadeus Bendigo isang empleyado ng gobyerno.

Dagdag rin ni Director Lovitos na naaktuhan niya ang dalawa habang nag se-session.

Nakumpiska ang dalawang mga pakete nang illegal na drogang tumitimbang ng 13 gramo at nagkakahalagang P195,000 at mga shabu paraphernalia.

(Source: PDEA XI)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -