Thursday, June 20, 2024

Davao: Nag-overheat na ceiling fan, itinuturong sanhi ng sunog sa anim na kabahayan sa Mati city

- Advertisement -

Davao Oriental – Anim (6) na kabahayan ang natupok ng apoy na sumiklab sa Purok Nazareno, Brgy. Central, Mati City kahapon ng umaga, Biyernes, Disyembre 3, 2021.

Visit RPN DXKT Davao

Maliban sa anim na bahay, may tatlo (3) pang bahay ang partially damaged. Labing-walong (18) pamilya ang apektado sa nasabing sunog na agad na idineklarang fire out ng mga awtoridad sa loob lamang ng 45 minutos.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang sunog sa isang nag-overheat na ceiling fan. Gawa sa light materials ang mga bahay kaya madali itong natupok ng apoy.

Walang nasugatan o namatay sa insidente.

Tinatayang aabot sa halagang ₱ 210 000.00 ang danyos na naiwan ng sunog. Ang mga apektadong residente ay temporaryong mananatili sa evacuation center sa Brgy. Central.

Bibigyan ng food packs ng City Social Welfare and Development Office at financial assistance mula sa City of Mati LGU ang 18 na apektadong pamilya at maging ng National Housing Authority para sa mga totally damaged na kabahayan.

(Source: Mati City Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -