Davao: Mga Miyembro Ng LGBT Davao City Coalition, Nakatanggap Ng Financial Loan

0
261

Davao City – Aabot sa 45 na mga miyembro ng LGBT Davao City Coalition ang nakatanggap ng financial loan noong nakaraang Miyerkules ng hapon, Oktobre 27.

Ginawa ang distribution sa loob ng Magsaysay Park na pinangunahan ni City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Chief Atty. Marlisa Gallo at ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Commissioner Norman Baloro.

Kada isang miyembro ay nakatanggap ng tig ₱ 10,000 sa pamamagitan ng Rainbow MagNegosyo Program na inisyatibo ng City Government of Davao upang matulungan ang LGBT Community nitong panahon ng pandemya.

Ang nasabing financial loan ay maaari nilang bayaran sa loob ng dalawang taon na walang interest.

(Source: CSWDO | PCUP)

Leave a Reply