31.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Davao: Mga kalsada sa San Pedro, sarado muna sa araw ng inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte

- Advertisement -

Inaasahan ang 20,000 na mga ang sasaksi sa oath-taking ceremony ni Vice President-elect Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa San Pedro Square ngayong Hunyo 19, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Dahil dito, naghahanda na ang Davao City Police Office (DCPO) para sa security measures at protocols na ipapatupad, kasama na dito ang traffic at police measures.

Ayon kay DCPO Spokesperson, Major Ma. Teresita Gaspan na sa Hunyo 16, 2022, isasarado muna ang mga kalsadang malapit sa San Pedro St. (San Pedro St., corner C.M. Recto, Bolton St., cor Rizal St., San Pedro St., cor Anda, ug Bolton St. cor. Magallanes).

Pinapaalalahanan ang mga opisyal sa lahat ng gusting sumaksi sa seremonya na binabawalan ang pagdala ng backpacks, mga matutlis na bagay, katulad ng kutsilyo at iba pa, pati na rin ang payong, binabawalan din ang pagsuot ng jacket at aasahan ang mahigpit na insperksyon para sa seguridad ng lahat.

Kahit na bukas ito para sa lahat at walang required na edad, pinapa-alalahan pa din ng DCPO ang mga magulang na huwag isama ang mga maliliit nilang mga anak.

(Source: DCPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -