Lumusong ng may ngiti ang mga gradutes sa tubig-baha habang suot ang kanilang mga toga kasama ang kanilang mga magulang sa selebrayson ng kanilang pinaka espesyal na araw.
Hindi natinag ang mga mag-aaral sa pagbuhos ng malakas na ulan sa gitna ng graduation ceremony sa Davao Oriental State University, nitong Hulyo 13, 2022.

Isinagawa ang graduation ceremony sa Baywalk, Mati City, Davao Oriental. Pasado alas 2 ng hapon, ngunit dahil sa malakas na buhos ng ulan na dahilan ng pagkabaha sa lugar.
Ngunit hindi ito naging hadlang sa mga estudyante upang ipagpatuloy ang seremonya kahit nakalublob ang kanilang mga paa sa tubig baha. Makikita parin ang ngiti sa kanila lalo na’t nakatapos na sila sa kanilang pag-aaral.
Congrats graduates!
(Source: Yam Will Art Facebook account)
