Davao: Mga Biktima Ng “Repa Paluwagan” Nagreklamo Sa Anti-Scam Unit

0
282

Davao City – Umabot na sa 80 na mga indibiduwal na umano’y biktima ng scam na Repa Paluwagan Scheme ang nagreklamo sa tanggapan ng Anti-Scam Unit (ASU) sa Magsaysay Park dito sa lungsod ng dabaw.

Ayon kay Retired Col. Simplicio Sagarino, hepe ng ASU, sa nasabing bilang, 30 nito ang unang nagreklamo sa kanilang tanggapan noong nakalipas Biyernes, samantalang noong Sabado nadagdagan pa na umabot na sa 50 ang nagreklamo.

Ayon sa mga nabiktima ng REPA sila ay naingganyong sumali sa bagong paluwagan scheme para tutubo ang kanilang pera kung saan iilan sa kanila ay mga biktima din ng Kapa at Rigen Investment Scam.

Napag-alaman na sa loob lamang ng isang linggo, maaari nang maka-payout ang nag invest sa nasabing paluwagan kung saan ang perang ₱ 1,000 ay maaaring maging ₱ 2,500 pag-umabot ng pitong araw.

Sa ngayon, pinoproseso na ng mga biktima ang mga ebidensya at iba pang mga dokumento upang ma-endorso kaagad sa National Bureau of Investigation (NBI) XI at masampahan na ng kaso ang responsible sa nasabing scam.

(Source: Davao City Anti-Scam Unit)

Leave a Reply