Davao: Isang Conductor sa bus patay, driver sugatan sa pamamaril sa Kabacan North Cotabato

0
279

Patay ang isang conductor, habang sugatan naman ang driver ng isang bus sa pamamaril na naganap ng isang hindi kilalang suspek nitong Mayo 25, 2022, alas 2:40 ng madaling araw sa Terminal Complex sa Barangay Kayaga Kabacan North Cotabato.

Kinilala sa Kabacan Municipal Police Station ang biktima na si Eliezer Inggay, 40 taong gulang na nakatira sa Purok 6, Rawari Kahusayan, Kitaotao, Bukidnon.

Sugatan sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Habang ang sugatan na driver na kinilalang si Crisanto Cuesta, 42 taong gulang na nakatira sa Mahayahay, Don Carlos, Bukidnon at naka-confine sa Amas, Kidapawan City.

Base sa imbestigasyon, galing sa Cagayan de Oro City ang Rural Tours na bus papuntang Tacurong City Sultan Kudarat, nasa bus ang dalawang biktima nang naganap ang pamamaril ng hindi kilalang suspek.

Narekober ng mga kapulisan ang 5 lalagyan ng .45 Caliber pistol.

Ini-imbestigahan parin ng mga otoridad ang insidente upang malaman ang motibo sa pamamaril.

(Source: Kabacan Municipal Police Station)

Leave a Reply