31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Davao: Indian National Collector Binaril, Patay

- Advertisement -

Davao del Norte – Binaril patay ng riding-in-tandem ang isang Indian national noong Biyernes, Nobyembre 12, 2021 sa Purok 19, Ising, Carmen, Davao del Norte.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ang biktima na si Manpreet Kaur, babae, 40 anyos, isang Indian national lending collector at nakatira sa Gavina Subdivision, Tadeco Road, Panabo City, Davao del Norte habang sugatan ang drayber nito na si Hanley Velez, 33 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, nalaman na habang pauwi ang mga biktima sakay ng Honda XRM black motorcycle patungong Carmen proper, sinundan sila ng isang motor lulan ang dalawang riding-in-tandem at sa walang pag-aalinlangan, binaril ang mga biktima.

Dalawang tama ng bala sa likuran ang natamo ng Indian national samantalang isang tama ng bala sa balikat ang natamo ng kanyang drayber at agad na dinala sa Carmen District Hospital para sa madaliang atensyon medical.

Dead on arrival sa ospital sa Carmen si Kaur samantalang si Velez ay patuloy na ginagamot.

Narekober sa crime scene ang 3-ka fired cartridge case. Nagpalabas na ng hot pursuit operation at follow-up investigation ang kapulisan sa Carmen Municipal Police Station.

(Source: PRO XI)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -