Davao: Higit 33,000 na ang nabigyan ng educational assistance ng DSWD XI

0
2

Ang Department of Social Welfare and Development Office XI ay nagbigay ng higit sa 33,000 educational cash aid sa buong Davao Region mula Agosto 20, 2022 hanggang Setyembre 17, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Sa loob ng mga petsang iyon, umabot sa ₱ 76.5 milyon ang inilabas na pondo ng DSWD XI.

Ayon sa ahensya, maayos na ang kanilang pamamahagi ng educational cash assistance lalo na sa mga malalayong lugar.

Sa datos ng DSWD XI, sa loob lamang ng isang linggo ay naibigay ang ₱ 7.5 milyon sa halos 4,000 benepisyaryo.

Samantala, patuloy ang panawagan ng mga netizens para sa muling pagbubukas ng mga aplikasyon at pahintulot na ihulog sa drop box para sa mga maaaring magsumite ng mga kinakailangan at maghintay ng text mula sa DSWD para sa kanilang pay-out.

Matatandaan noong Agosto 31 nang pansamantalang sinuspinde ng DSWD XI ang pagtanggap ng mga aplikasyon dahil sa bilang ng mga aplikasyon na umabot sa 150,000 sa kabuuan.

(Source: DSWD IX)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here