Davao City Mayor Sara Duterte umaasang magkakaayos pa si PDU30 at Robredo

Davao City Mayor Sara Duterte umaasang magkakaayos pa si PDU30 at Robredo

by Powered by DWIZ
0 comment 25 views

Umaasa si Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na magiging maayos na ang relasyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Ito ay matapos tanggapin ni Robredo sa ibinigay na posisyon sa kanyang bilang Co-chairman ng Interagency Committee on Anti – Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Duterte – Carpio, umaasa siyang magbubunga ng magagandang proyekto para sa tuluyang pagsugpo ng iligal na droga sa bansa ang pag-upo ni Robredo bilang Co-chairman ng ICAD.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na detalye hinggil sa magiging partikular na tungkulin ni Robredo sa ICAD gayundin ang hatian nila ng trabaho ni PDEA chief Aaron Aquino.

0 comment

Related Posts