Radio Philippines Network
Headlines National News

20K pamilya apektado sa pananalanta ng bagyong Quiel —DSWD

Pumapalo na sa mahigit sa 20,000 pamilya o katumbas ng 80,000 indibiduwal ang apektado ng bagyong Quiel sa Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Irene Dumlao, 937 pamilya naman ang nananatili sa 41 evacuation centers sa Region 2 at CAR.

Dagdag ni Dumlao, naglaan na rin ng P2-milyon pondo ang DSWD bilang ayuda sa mga naapektuhan ng bagyong Quiel.

Batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2, 4 na ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyong Quiel habang isa naman ang nawawala.

Una na ring isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cagayan at Apayao.

Related posts

COVID-19 ‘di gaanong makaaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas

Powered by DWIZ

Labis na campaign ads ng mga kandidato sa social media ibinabala

Powered by DWIZ

Malawakang balasahan sa BuCor ipinagutos ni Duterte —Panelo

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More