Davao City Government Bumalik Na Sa Pagbibigay Ng Libreng RT-PCR Test Para Sa Mga F2 At F3 Covid-19 Close Contact

0
247

Davao City – Muli na namang nagbibigay ng libreng RT-PCR Test ang Davao City Government para sa mga F2 at F3 Covid-19 Close Contacts ng mga Covid-19 positive.

Ayon kay Davao City Covid-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser  na ang Magsaysay Swab testing Center ay nag-umpisa na ng tumanggap ng mga second generation (F2) at third generation (F3) close contacts for RT-PCR swabbing na ang maximum capacity bawat araw ay nasa 150 hanggang 250 ka tao.

Dagdag pa ni Dr. Schlosser na samantalang naghihintay na maayos ang machine sa Southern Philippines Medical Center (SPMC), duon muna pinu-proseso sa Los Amigos Molecular Laboratory at Davao International Airport Molecular Laboratory.

Matatandaan na pansamantala munang sinuspendi ng lokal  na pamahalaan ang nasabing serbisyo  nuong Agusto matapos na nasira ang  extraction machine na siyang magbabasa ng swab specimens ng SPMC at limitado  nalang ang natitirang testing kits ng pamahalaan.

(Source: Davao City Covid-19 Task Force)

Leave a Reply