Davao del Sur – Patuloy ang imbestigasyon sa Digos City Police sa pagkakakilanlan ng salarin at motibo sa pagbaril, patay sa Chairman sa Digos Padada Transport Cooperative sa Purok 9-A, Bonifacio Super Highway St., Brgy. Aplaya, Digos City, Davao del Sur kagabi, Nobyembre 17, 2021.
Kinilala ang biktima na si Ronald Batukael Sabandal, 50 anyos, may asawa, at residente sa Purok 9-A, Brgy. Aplaya, Digos City.
Ayon sa imbestigasyon ng Digos PNP, habang naglalakad ang biktima pauwi ng kanilang bahay galing sa kanyang trabaho sa Digos Padada Transport Terminal sa Rizal Avenue, Brgy. San Jose, nakarinig ang mga tao sa lugar ng isang malakas na putok ng baril at nakita ang biktima na nakahandusay sa kalsada at wala nang buhay.
Tama ng bala sa likuran ang tumapos sa buhay ng biktima.
Na-recover ng awtoridad ang bala na ginamit ng suspek at isinailalim na ito sa forensic investigation.
(Source: Digos PNP)
