Tuesday, December 3, 2024

Davao: Buntis na tinanggihan sa ospital at nanganak sa loob ng bus, tinulungan ng sundalo at pulis

- Advertisement -

Davao del Sur – Isang buntis ang hindi tinanggap ng isang ospital dahil sa walang pang-downpayment ang nanganak sa loob ng Mindanao Star bus alas-6:30 kagabi, Disyembre 27, 2021 sa Kinuskusan, Bansalan.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon sa ulat, hindi na napigilan ang pag-ire ng inang si Grace Bulaw Cudog, 23 anyos na residente ng Makilala, North Cotabato at ligtas na naipanganak ang isang sanggol na babae.

Humingi ng tulong ang drayber at konduktor ng bus sa kapulisan at kasundaluhan na naka-base sa Kinuskusan, Bansalan. Agad naman tumugon sa tawag ang 2nd Davao del Sur Mobile Force Company (2nd DDSMFC) na sina PCpl. Roy A. Rojaz at Sgt. Edclaier D. Sotela ng 39 IB, PA.

Isinakay ng PNP patrol car ang mag-ina at agad na dinala sa Makilala Hospital para mabigyan ng kaukulang atensyon.

Ayon sa kinakasama nitong si Jemar Muting, 29 anyos at residente ng Kisante, Makilala, North Cotabato, nauna na silang pumunta sa isang ospital ngunit tinanggihan sila dahil sa kawalan ng pang-downpayment kaya’t nagpasya silang umuwi kung saan naabutan ng panganganak si Grace sa bus.

Ligtas at maayos na ang kalagayan ng sanggol. Malaki ang pasasalamat nina Grace at Jemar sa mga tauhan ng 2nd DDSMFC lalong-lalo na nina PCpl. Rojaz at Sgt. Sotela sa walang pag-aalinlangan na pagtulong sa kanila.

(Source: PCADG Davao Region)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -