DAVAO CITY – Pinangunahan ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang isinagawang boodle fight sa People’s Park kahapon, Setyembre 12, bilang pasasalamat sa higit 2,000 personnel mula sa Safety and Security Clusters na nagbantay sa kaayusan at seguridad ng pagdiriwang ng Kadayawan 2025.
Ayon kay Duterte, ang naturang aktibidad ay simbolo ng pagkakaisa at pagkilala sa dedikasyon ng mga uniformed personnel, volunteers, at iba pang ahensya na nagtrabaho upang matiyak ang mapayapa at maayos na selebrasyon.
Dagdag pa niya, mahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga katuwang na grupo upang mapanatili ang kahapsay ug kalinaw sa lungsod, lalo na sa panahon ng malalaking kaganapan gaya ng Kadayawan.(Camille Santos Naraga)(Source: Contributed
