29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Davao: 1.3 million na marijuana nakuha sa Davao city

- Advertisement -

Nasamsam ng mga miyembro ng Eden Police Station 19 ang P1.3 Milyong halaga ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa isinagawang drug buy-bust operation na pinangunahan ni Police Major Jonnel Bonguyan bandang 1:30 Lunes ng hapon, Oktubre 10, 2022 sa Purok 3 Sitio Habana Barangay Catigan Toril District.

Kinilala ni Police Major Bonguyan ang suspek na si Prince Ian Sambalud, 18-anyos, estudyante mula sa NHA Village Buhangin Davao City at kinilalang number one (1) sa Drug Watchlist sa Davao Region.

Ayon kay Police Major Bonguyan, nabili ang suspek ng isang brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P5,000.

Maliban dito, nakuha rin sa suspek ang isa pang labing-isang (11) brick ng pinatuyong dahon ng marijuana, 11.37 kilo ang bilang.

Kakasuhan ang suspek ng RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: PRO XI

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -