Dating Mayor at Congressman Atty. Maurcio Domogan ng Baguio City at Lifetime Chairman ng Baguio Flower Festival Foundation Incorporated ay nagpasalamat sa mga nakipagdiwang ng Baguio Flower Festival 2023

0
1

Baguio City – Ang pagdiririwang ng Baguio Flower Festival ngayong taon ay isang patunay na matatag ang mga taga lungsod ng Baguio.

Muli naman napatunayan ang katatagan ng mga mamamayan ng lungsod ng Baguio sa pamamagitan ng kanilang pagdalo sa isinagawang Panagbenga o Baguio Flower Festival 2023 matapos ang matinding pagtama ng Covid 19 Pandemic.

Ayon kay Atty. Mauricio Domogan, ang Lifetime Chairman ng Baguio Flower Festival Foundation Inc., una nang ipinatupad at ipinadiwang ang Baguio Flower Festival noong 1996 bilang pagbabalik ng lungsod ng Baguio mula sa mapaminsalang 1990 killer earthquake na kung saan dito unang naipakita ang pagbangon ng mga taga Baguio dahil sa mabilis na pagbabalik matapos ang naturang trahedya.

Kahit na ipinagpaliban ang selebrasyon ng Panagbenga Festival noong 2020 at 2021, dahil sa pandemya, muli itong ipinagdiwang noong 2022 upang unti unting makabangon at makabawi ngunit wala ang mga pangunahin Grand Street Dance Parade at Grand Float Parade na panaka aantay antay ng mga turista at ng mga taga-Baguio.

Ngunit sa pagkalugi ng mga maraming negosyo at ng industriya ng Turismo dito sa lungsod, hindi sila nagpatalo sa pandemya ngunit humanap sila ng paraan upang muling makabangon mula sa epekto nito, kaya ito ang dahilan kung bakit ipinagdiririwang ang Panagbenga Festival ngayong taon kahit may banta pa ang Covid 19.

Malaki din anya ang tulong ng kommunidad, maging ng mga sektor mula sa academia, hotel industry, mga local government units, at grupong kultura upang maging matagumpay ang nasabing festival kasabay ng pagyabong ng industriya ng turismo na siyang bumubuhay sa ekonomiya ng Siudad ng Baguio.

Dahil dito, muling nagpahayag si Ginoong Domogan sa taos pusong pasasalamat sa lahat ng sumali at tumulong para maging matagumpay ang Panagbenga Festival ngayong taon.  (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here