Daniel Padilla umani ng parangal sa 37th Luna Awards

Daniel Padilla umani ng parangal sa 37th Luna Awards

by Powered by DWIZ
15 views

Wagi bilang best actor sa ginanap na 37th Luna Awards ang aktor na si Daniel Padilla.

Ito ay para sa kanyang ginampanang karakter sa pelikulang “The Hows of Us” kung saan katambal niya ang kanyang reel and real love partner na si Kathryn Bernardo.

Kabilang sa mga natalo ni Padilla sa parangal ang iba pang nominado na kinabibilangan ng yumaong si Eddie Garcia para sa pelikulang Rainbow Sunset; Dingdong Dantes sa pelikulang Sid and Aya; at Christian Balbes sa pelikulang Signal Rock.

Ilan pa sa mga nag-uwi ng parangal sa 37th Luna Awards si Direk Chito Roño na kinilala bilang best director para sa pelikulang Signal Rock habang best actress naman si Glaiza de Castro sa pelikula nitong Liway.

0 comment

Related Posts