Friday, May 17, 2024

Dalawang taong probationary employment period hati ang opinyon ng mga employer — ECOP

- Advertisement -

Hati ang opinyon ng isang grupo ng mga employers sa panukalang palawigin ng dalawang taon ang probationary employment period mula sa kasalukuyang anim na buwan.

Ayon kay Employers’ Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis Jr. (ECOP), magiging paborable ang panukala para sa mga employers sa usaping teknikal dahil sa mas mahabang panahon ng pagsasailalim sa probation ng mga manggagawa.

Sinabi ni Ortiz-Luis, naniniwala rin silang kulang o hindi sapat ang anim na buwan para sa mga manggagawa para matutunan ng maigi ang trabaho at maging produktibo.

May mga trabaho lalo na sa manufacturing na hindi mo naman malaman kung papasa dahil sa training palang, by the time na tini-train mo, by the time na dapat ay productive na sila at alam mo na ang kakayahan eh six months na so, maikli talaga and it’s very hard to determine whether in some cases maikli, in some cases it’s not,” ani Ortiz-Luis.

Gayunman, binigyang diin ni Ortiz-Luis na hindi pa rin naman aniya basta-basta maipatatanggal ang isang empleyado kahit nasa probationary status pa lamang ito.

Aniya, maaari pa ring magreklamo ang mga matatanggal na empleyado.

Kapag kinukuha yung probationary technically hindi mo naman pwedeng tanggalin basta-basta lalo na yung mga maliliit nating kompanya pagkakumukuha ng tao yan halimbawa kailangan mo 20 tapos kumuha ka ng 20 probationary pagdating nung end of period kung hindi ka may just cost o nagbibigay ka ng standard na hindi naman ginagawa ng maliliit na kompanya para matanggal siya at the end of the probationary period hindi mo naman pwedeng tanggalin din, pwede ka ‘ring i-complain,” ani Ortiz-Luis. — sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -