Friday, May 3, 2024

Dalawang bata patay sa sunog sa Caloocan City

- Advertisement -

Nasawi ang dalawa katao at dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos sumiklab ang sunog sa Tupda Village Barangay 8, Caloocan City, dakong alas tres ng madaling araw ngayong araw ng linggo.

Ayon kay Caloocan City Fire Marshal Stephen Requina, naiwan sa isang bahay ang apat na magkakapatid habang naghahanap ng almusal ang ina nito sa labas at walang kamalay malay na nasusunog na ang kanilang tahanan.

Idineklarang dead on arrival ang isa na isinugod na magkakapatid na si Jilian Nardeya, walong taong gulang habang natagpuan naman ang sunog na bangkay sa loob ng naturang bahay ang isa pa sa magkakapatid na si Mikmik Nardeya, anim na taong gulang.

Nasa kritikal namang kondisyon ang dalawa pa sa magkakapatid dahil sa pagtatamo ng sunog sa katawan.

Samantala, patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng naturang sunog.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img