Sunday, April 28, 2024

Dalawa arestado matapos makuhanan ng P68-M na shabu sa Pasay City

- Advertisement -

Tiklo ang dalawang drug suspect na nakuhanan pa ng 10 kilo ng hinihinalang shabu, matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa isang terminal ng bus sa lunsod ng Pasay.

Sinabi ni Pasay City Police Chief Col. Bernard Yang,matagal na nilang minamanmanan ng mga ‘di pinangalanang suspek na pawang mga tulak umano ng illegal na droga sa CALABARZON at Pasay City area.

Ayon kay Yang, aabot sa P68-M ang halaga ng mga narekober na kontrabando kasunod ng naturang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Patuloy namang inaalam ng pulisya kung kasapi ng mas malaking sindikato ang dalawang suspek.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -