Dalawa (2) Kabilang Ang Isang Umanong Gun-For-Hire, Patay Matapos Makaengkwentro Ang Pulisya Sa Mahayag, Zamboanga Del Sur Nitong Martes (July 7, 2020)

0
41

Kinilala ang nasawing gun-for-hire raw sa alyas na “Dodong” habang ang isa naman ay wala pang pagkakakilanlan.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng Media, nagsagawa ng stop and frisk operation ang ZS PIU, 903rd MC, RMFB9 at 1st ZS PMFC katuwang ang Mahayag MPS sa Purok Golden Shower, Barangay San Isidro matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa dalawa na dadaan sa nabanggit na lugar sakay sa isang motorsiklo.

Nang subukang pahintuin ang dalawa, bigla raw nagpaputok ang isa sa mga ito padereksyon sa operating team dahilan upang gumanti ng putok ang operating team.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang dalawang suspek sa kanilang katawan at dinala sa pagamutan ng Mahayag Municipal Hospital para sa medikasyon subalit ideneklara silang patay.
Walang nasugatan sa hanay ng mga pulis.

Narekober mula sa mga suspek ang isang cal.45 pistol at Cal. 38 revolver.

Leave a Reply