Dagdag singil sa kuryente mararamdaman ngayong buwan

0
49

Nakaambang maramdaman ang dagdag singil ng Manila Electric Company (Meralco) ngayon buwan.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, maliit lamang na adjustment ang kanilang ginawa.

Inaasahang sa Lunes ay mag-iiba na ang galaw ng singilan para sa Arpil bill.

Samantala sa ika-apat na sunod na araw itinaas muli ang yellow alert sa Luzon grid na nanagangahulugang manipis ang reserbang kuryente.

Maraming planta kasi ang pumalya at ang iba naman ay nagbabawas sa produksyon ng kuryente.

Gayunman tiniyak pa rin ng Department of Energy (DOE) na sapat pa rin ang supply ng kuryente sa buong tag-init at hindi mauuwi sa brownout.

—-