Sunday, May 5, 2024

Dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa NCR inalmahan

- Advertisement -

Inalmahan ng ilang employer ang panukalang dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region.

Ayon Kay Jesus Gabriel Domingo ng Confederation of Garments Exporters of the Philippines, malaki ang magiging epekto nito sa presyo ng kanilang mga serbisyo at produkto.

Sinabi ni Domingo, na ngayon pa lamang ay pinapasan na nila ang taas ng presyo ng mga bilihin dahil sa excise tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Nagbabala naman si Ernie Cecilia, human capital and resources chairman ng American Chamber of Commerce, sa posibleng mas pagmahal pa ng presyo ng kanilang mga produkto at serbisyo upang makaagapay sa dagdag pasahod at epekto ng TRAIN law.

Nakatakda namang magharap bukas, Oktubre 26 ang mga kinatawan ng employers at labor group para sa huling konsultasyon ng wage board.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img