28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Dagdag multa sa illegal parking sa Metro Manila aprubado na

- Advertisement -

Inaprubahan na ng Metro Manila Council ang dagdag na multa para sa mga sasakyan na iligal na nakaparada sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, mula sa dating dalawang daang piso (P200) ay itinaas sa isang libong piso (P1,000) ang multa sa mga nakaparadang sasakyan na may sakay na tao.

Mula naman sa tatlong daang piso (P300) ay itataas na sa dalawang libong piso (P2,000) ang ipapataw sa mga nakaparadang sasakyan na walang sakay.

Nilinaw ng MMDA na hindi pa ito agad na ipatutupad dahil dadaan pa ang panukala sa public consultation at pag-aaral ng traffic committee.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -