32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

4 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Masbate

- Advertisement -

Patay ang apat na katao sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Masbate kahapon.

Sa barangay Calipatan bayan ng San Jacinto, napatay si Senior Police Officer 2 Rommel Borromeo, 58-anyos dating intelligence operative at kasama nitong si Antonio Barsaga, 65-anyos retiradong security guard.

Sakay ng motorsiklo ang dalawa ng paulanan ng bala ng dalawang salarin.

Samantala, pinagbabaril naman ng riding in tandem si Rommie Bagaan, kapitan ng barangay Luna sa bayan Placer gayundin ang kasama nitong pangulo ng liga ng mga barangay.

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para tukuyin ang motibo at suspek sa naturang mga kaso.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -