Monday, May 6, 2024

Dagdag-incentive sa mga manggagawa lusot na sa Kamara

- Advertisement -

Lusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang dagdag na service incentive leave sa lahat ng mga manggagawa sa bansa.

Kasunod na rin ito ng 197 ‘yes’ votes at walang tutol sa house bill 1338.

Nakasaad sa naturang panukala na gagawing 10 araw ang service incentive leave with pay ng mga empleyadong walang vacation o sick leave.

Ang panukala ay amyenda sa Labor Code of the Philippines kung saan itinatakda ang limang araw na service incentive leave na mayroong bayad subalit hindi naman applicable sa mga kumpanyang nagpapatupad na ng 10-day service incentive leave.

Nakapaloob sa panukala na ang mga empleyado na nakapagsilbi na ng isang taon ay may karapatan na sa 10 araw na service incentive leave.

Hindi naman sakop ng panukala ang mga negosyo at establishment na mayroong 10 o pababa na bilang ng mga empleyado o kaya naman ay mayroong mababang financial condition.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img