AFP itinangging sangkot umano ang mga sundalo sa pagtulong sa mga nagpupuslit ng pera sa bansa

0
21

Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang report na sangkot ang ilang retirado o aktibong sundalo sa pag-eescort ng mga hinihinalang sindikato na nagpupuslit ng pera sa bansa.

Gayunman, sinabi ni AFP spokesman Brigadier General Edgard Arevalo na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Finance (DOF) gayundin sa Bureau of Customs (BOC) hinggil sa usaping ito.

Nirereview na aniya ng mga nasabing tanggapan ang security footage para mabatid kung sinu-sino ang mga naturang indibidwal na sangkot sa nasabing ilegal na aktibidad.