Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

Epektibo na ngayong 6 a.m. ng Martes, Nobyembre 19, ang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa abiso ng mga kumpanya ng langis, nasa P0.80-P0.85 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.

Habang tinapyasan naman ng P0.15 ang kada litro ng diesel at P0.25-P0.30 sa kada litro ng kerosene.

Una namang nagpatupad ng P0.30 tapyas sa kada litro ng diesel ang Clean Fuel noong Linggo ng hapon, Nobyembre 17, habang Miyerkules, Nobyembre 20 pa ng 12:01 a.m. epektibo ang P0.80 dagdag sa kanilang gasolina.

Ang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng paggalaw ng imported na langis sa pandaigdigang merkado.

Related posts

Guanzon nais na isama sa 1-year appointment ban ang mga party-list nominee

Powered by DWIZ

Marawi rehab makukumpleto bago matapos ang Duterte admin —TFBM

Powered by DWIZ

China nagpaabot ng P22-M tulong para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More