31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Daan-daang mga Pinoy na inilikas mula ibang bansa balik-Pinas na

- Advertisement -

Nakabalik na ng bansa ang daan-daang mga Pilipinong inilikas mula sa Italy at Malaysia dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Unang dumating ng bansa dakong ala-1:35 kahapon ang 83 Pilipino na na-stranded sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa ipinatupad na lockdown sa gitna ng banta ng pagkalat ng COVID-19.

Sinundan naman ito dakong alas-9 pasado kagabi ng 322 Filipino seafarers mula Italy.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mula sa kabuuang bilang ng inilikas mula Italy, 114 dito ay inilikas mula sa cruise ship Costa Diadema habang ang 208 ay mula sa Costa Victoria.

Inaasahan naman ng ahensya na mas dadami pa ang mga maililikas na kababayan mula sa ibang bansa dahil ng banta ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -