CPP-NPA-NDF dapat isaalang-alang ang national interest ng bansa kasabay ng COVID-19 scare

0
10

                              Makasarili at walang pagmamahal sa bayan

Ganito inilarawan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ang CPP-NPA-NDF.

Ito ay matapos na tanggihan nito ang idineklarang tigil putukan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtutok ng pamahalaan sa problema ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Malaya, dapat na isaalang alang nalamang ng rebeldeng grupo ang national interest kaysa ipagpatuloy ang pagpapabagsak sa gobyerno.

Samantala, tiniyak naman ni Malaya na nakahanda parin ang tropa ng pamahalaan sakaling umatake ang rebeldeng grupo kasabay ng paglaban ng gobyerno sa COVID-19.