COVID-19 testing kits ‘di maaaring bilhin, gamitin ng ordinaryong mamamayan —DOH

0
14

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi maaaring bilhin at gamitin ng ordinaryong mamamayan ang testing kits sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kahit pa commercially available na ito.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pa rin ng molecular laboratory para maproseso ang test sa COVID-19.

Ibig sabihin, kailangang ospital pa rin o doktor na may molecular lab ang kailangang magsagawa ng COVID-19 test.

Ang maganda lamang anya ngayon, mas maraming ospital na ang magkakaroon na ng kakayahang magsagawa ng testing.