COVID-19 sa bansa posibleng pumalo sa higit sa 70K na kaso —DOH

0
23

Posibleng pumalo sa 70,000 hanggang 75,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas sa susunod na tatlong buwan.

Ito ang naging pagtaya ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, oras na maabot ng Pilipinas ang pandemic peak sa COVID-19.

Gayunman, binigyang diin ni Vergeire na halimbawa pa lamang ito ng kanilang pagtantiya para makabuo ng kinakailangan aksyon para makatugunan ng maayos ang problema.

Iginiit ni Vergeire, ito aniya ang dahilan kaya kinakailangang mahigpit ang papatupad ng mga hakbang tulad ng community quarantine para mapababa at mapigil ang pagdami ng  kaso.

Una ang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong pilipinas para sa mabilis at mas maayos na pagtugon ng pamahalaan sa mabilis na pagkalat ng COVID-19.