Saturday, May 18, 2024

COVID-19 ‘reinfection’ posibleng dahil sa mutated coronavirus —Leachon

- Advertisement -

Posibleng ang mutated coronavirus ang siyang dahilan kaya mayroong mga taong gumaling na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang muling nagpopositibo sa sakit.

Paliwanag ni Dr. Tony Leachon, isang health reform advocate, kapag dumaan sa mutation ay lumalabas ang bagong strain ng sakit na mas matindi sa kasalukuyang coronavirus.

Aniya, kapag pumasok na ang virus sa katawan ay nakikilala na ito ng katawan kaya naglalabas ito ng anti-bodies, kaya naman sa kaso ng mutated corona virus ay muling nagkakasakit ang katawan dahil ibang strain na ito ng sakit.

Nakaka-develop tayo ng immunity, kasi parehong virus din ‘yon, e. Kung iba doon ay mayroon tayong mutation, then, it will be more difficult for us to control this. Pero ang bottom line, pareho pa rin ang gagawing management mo,” ani Leachon. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -