60 bagong ruta para sa PUJ’s bubuksan ng LTFRB

0
11

Magdadagdag ng ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa tradisyonal na public utility jeepneys at UV express sa Metro Manila.

Ito’y kasabay ng pagbabalik ng general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa LTRFB nasa 60 ang kanilang bubuksang ruta sa PUJ’s habang apat naman para sa mga UV express.

Dahil sa bubuksang ruta mayroon nang 4,498 dagdag na mga jeep na bibiyahe at 641 naman na dagdag na UV express.

Magbibigay naman ang ahensya ng QR codes para sa mga unit na papayagang bumiyahe.