COVID-19 recovery aabutin ng halos 2 buwan —Duque

0
21

Aabutin ng anim na linggo o halos dalawang buwan bago tuluyang maka-recover o gumaling ang isang pasyenteng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y ayon mismo kay Health Secretary Francisco Duque III kung saan iginiit nito na marapat lamang na malaman ng publiko na hindi agad-agad na maidedeklara ng Department of Health (DOH) kung magaling na ang isang pasyente matapos na tamaan ng virus.

Aniya hindi kasi ibig sabihin na bumuti na ang kundisyon ng isang pasyente ay agad na nila itong maidedeklarang ‘COVID-19 free’ dahil kailangan muna nitong mag-negatibo sa isa pang pagsusuri.

Gayunman, iginiit naman ni Duque na 5 sa 140 kaso ng COVID-19 sa bansa ang tuluyan nang naka-recover sa virus.