COVID-19–positive Pinoy sa Japan cruise ship umabot na sa 27

0
24

Labing-anim (16) pang Pilipino ang nadagdag sa mga nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa cruise ship na naka-quarantine sa Japan.

Dahil dito, umaabot na sa 27 Pilipino ang positibo sa COVID-19 mula sa mahigit sa 500 Pinoy na sakay ng Diamond Princess cruise ship.

Tiniyak naman ng Ministry of Health sa Japan na agad nadadala sa ospital ang mga nagpopositibo sa COVID-19.