COVID-19 mass testing sa Marikina aarangkada na

0
20

Aarangkada na ang mass testing ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Marikina City.

Ito’y matapos na matanggap na ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang sertipikasyon ng Department of Health (DOH) na maaari nang mag-operate ang kanilang molecular laboratory.

Ayon kay Teodoro, mayroon na silang listahan ng mga tao na uunahin nilang makunan ng specimen para ma proseso agad sa kanilang laboratoryo.

Ang molecular laboratory ng Marikina City ay mayroong kapasidad na makapagproseso ng hanggang 400 specimens.

Ngayong araw ay makakapagsagawa na tayo ng mass testing dito sa Marikina,” ani Teodoro. —sa panayam ng Ratsada Balita