COVID-19 lubhang mas nakamamatay kaysa swine flu —WHO

0
18

Lubhang mas nakamamatay ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) kaysa sa swine flu o tinatawag ding H1N1.

Ito ang ibinabala ng World Health Organization (WHO) kasabay ng panawagan nitong dahan-dahanin lamang ang pagli-lift o pagtatanggal ng mga control measures ng iba’t ibang bansa laban sa COVID-19.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, mabilis lumaganap ang COVID-19 at sampung beses itong mas nakamamatay kaysa swine flu.

Magugunitang nagdulot din ng pandaigdigang pandemya ang swine flu noong taong 2009.