COVID-19 cases sa US umabot na sa mahigit 2.4-M

    0
    15

    Muling nadagdagan ng higit 38,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Estados Unidos nitong nakalipas na 24 oras.

    Dahil dito, nasa higit 2,462,000 COVID-19 cases na ang naitatala sa Estados Unidos.

    Aabot naman sa 124,000 ang bilang ng mga namamatay dahil sa virus, matapos na madagdagan ng 800 panibagong mga COVID-19 related deaths.

    Sa kaparehong datos, mayroon pang higit 1.3 milyong mga active cases, habang naitala rin ang higit 1 milyong mga nakarekober na sa COVID-19 sa Estados Unidos.