Monday, May 6, 2024

COVID -19 cases sa India umakyat na sa 2.5 milyon

- Advertisement -

Umakyat na sa 2.5 milyon ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa India.

Ito’y makaraang makapagtala ng 65,002 confirmed cases sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa Health Ministry, nadagdagan ng 996 ang bilang ng mga nasawi dahilan upang umakyat na sa 49,036 ang death toll sa nabanggit na bansa.

Dahil dito, kahanay na ngayon ng India ang Amerika at Brazil sa listahan ng may pinakamaraming kumpirmasyong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img