Pumalo na sa 28.33 million ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng World Health Organization (WHO) kung saan sumampa naman na sa 910,299 ang bilang ng mga nasawi.
Habang nasa 20.5 million naman ang bilang ng recoveries, o yung mga gumaling sa COVID-19.
Sa ngayon, nasa pang ika-22 pwesto naman ang Pilipinas pagdating sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo matapos na maitala sa bansa ang nasa higit 252,000 na kaso ng COVID-19.