Pumalo na sa 24.61 million ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling ulat ng World Health Organization (WHO), sa bilang na ito pumapalo na sa 832,000 naman ang bilang ng mga nasawi.
Habang nasa 17,200,000 naman ang bilang ng recoveries, o yung mga gumaling na mula sa COVID-19.
Samantala, sa Pilipinas nasa 209,544 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 kung saan nasa mahigit 3,000 na ang bilang ng mga nasawi.