Panukalang 2021 national budget sesentro sa COVID-19 response — Angara

0
10

Tiniyak ng Senado na sesentro sa COVID-19 response at pagbango ng ekonomiya ang panukalang pambansang budget sa taong 2021.

Ito mismo ang naging pagtitiyak ni senator Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance.

Ayon kay Angara, sisiguraduhin ng mataas na kapulungan ng kongreso na maglalaman ang 4.5 trillion na proposed national budget para sa susunod na taon ng mga probisyon na makatutulong upang malabanan ang COVID-19, at upang maibangon ang bumagsak na ekonomiya ng bansa bunsod ng pandemya.

Sinabi rin ni Angara, masusing bubusisiin ng komite ang panukalang pambansang budget kung saan kumpiyansa ito na makakamit nila ang deadline para mapirmahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.